Sabado, Agosto 20, 2016

2016.08.15


1. Umuulan pa rin… makakaisa pa kaya ng suspension ng klase para bukas?

2. Bigla na lang gumana ang anim na keys sa keyboard ko… mabuti naman! Mas maginhawa na ngayong tumipa.

3. Isulat din natin ang mga kaibugan ko ngayon at noong mga nakaraang araw:
                a. kabiguang maging consistent na masipag sa araw-araw;
                b. kulang pa rin ang determinasyon, tiyaga, pag-iisip at pagpa-plano;
                c. na hindi na muling mag-uubos ng maraming oras sa social media at chats;
                d. hindi nagawang magkaroon na pagninilay o reflection;
                e. di natupad ang kahit ng 30 minuto ng pagbabasa;
                f. hindi ko rin nagawang maging maparaan at lawakan pa ang pananaw;
                g. na lagi na lang ulit akong tumitingin sa iba kaysa sarili kong mga gawa;
                h. hindi na naman ako nagpa-prioritize ng mga gawain;
                i. nagkukulong na naman ako sa mga kahinaan kong ito; at
                j. di ko na naman napanghahawakan nang mabuti ang aking mga goals sa buhay.

4. Sumasakit ang isip sa kaiisip.

5. Maglilista naman ako ngayon ng mga bagay na nararapat kong ipagpasalamat:
                a. ang hindi pagbaha dito sa aming lugar sa kabila ng mga pag-uulan;
                b. na may tuyo pa rin kaming tahanan;
                c. na may naihahain pa rin na pagkain sa aming hapag;
                d. na nariyan pa rin ang aking pamilya;
                e. na may kuryente at ilaw pa rin sa kabila ng nagdaang malakas na hangin;
                f. meron pa rin signal ng internet kahit na maulan;
                g. na lagi pa rin akong nabibigyan ng chance na maging mas mabuti;
                h. na may radyong nagpapa-relax sa akin ngayon;
                i. na pagkatapus nito ay makakakain pa rin ako; at
                j. makatutulog rin ako mamaya sa kama kong bagong palit ang punda at sapin.