Sa aking pananaw, ang facebook ay napupuno na
ng maraming basura. Mga posts na puro kababawan mula sa mga fb friends mo na
inilathala na ang bawat kibot ng buhay sa facebook, as if the whole world cares.
Pero anu nga naman ang magagawa ko… sila ang aking mga fb friends.
Kaya dinadamihan ko na lang din ang mga nila-like
kong pages na may kwenta, may sense o may saysay at kabuluhan. Para kahit paano
ay nababalanse ng mga ito ang aking newsfeed. Sa ngayon ay okay na ang timpla
ng newsfeed ko. May walang enta, merong may saysay. May funny at informative.
May entertaining at iba pang kakaiba kumpara sa dati.
Kung sabagay, kung sa facebook ko rin naman
ilalabas ang hinaing kong ito, wala rin namang pakialam ang mundo. At saka,
pwede ko rin naman ituring (pati na rin ng iba) na basura lang din naman itong
ginagawa ko sa aking blog.
Kaya maaring ang mundo ay napupuno na talaga ng
basura. Heto dinagdagan ko pa.
True.. Which is why I only use facebook messenger lang.. Kasi parang dami na mga scripted na photos and fake stuff about people there.
TumugonBurahin