Ano ang hindi makatwiran na gawin sa isang blogger?
Yung mag-comment ka na napakalayo naman sa content ng pinost niya. Oo, meron
ngang mga komento na out-of-the-post (o out of the topic ika nga) pero sa dalas
kong makabasa ng mga komento, kung ito man ay labas sa content ng blogpost,
ipinagpapaalam o gumagawa ng paraan ang blogger o mambabasa para masabi na
ganuon nga (out of the context) ang komento nyang iyon.
Sa kung paanong paraan? Aba, marami at kanya-kanya.
Kaya madaling matukoy kung ang isang komento ay iniwan lamang para sa purpose
na makapagbigay komento lamang. At hinuha ko, ang gawain ng iba ay babasahin
lamang ang “pamagat” at mula doon ay bubuo na sya ng inakala nyang tinutukoy sa
loob ng post.
Mabuti pa (at mas katanggap-tanggap para sa akin) na
wag nang mag-iwan ng komento kung hindi mo naman nabasa ng buo – dahil mahaba,
di ka naman maka-relate , o walang oras magbasa at iba pa.
Di naman sa napaka-big deal ng bagay na ito sa akin,
ayoko ko lang ng feeling… kasi parang nakaka-offend. Kahalintulad nito yung
ilang gawain natin sa eskwela, halimbawa ay pinagawa ka ng isang mahabang
salaysay na binigyan mo ng oras, pag-iisip, pokus at lakas… pero nung pinasa
mo, alam mo namang hindi naman iyon binasa… tsinekan lang hahaha! Ganyan.