Sabado, Abril 15, 2017


                Di ko inakala na magiging mahirap para sa akin ang nagdaang huwebes santo, byernes santo at sabado de Gloria. Bukas, easter Sunday, muling pagkabuhay, ang goal ko ay mabuhay din sa akin ang mga bagay na nagpapalakas sa akin bilang ako, yung mga bagay na nagbibigay depinisyon sa kung sino talaga ako. Napakalungkot ng pinagdaanan kong tatlong araw. Napakadilim. Napakaikli at napakababaw ng aking naging pananaw.

                Di ko tiyak kung depression ba ito. Pero, mild lang naman kung depression nga. Na-miss kong makipag-usap sa nanay ko, na-miss ko ang pakiramdam na nagiging okay ako kapag nakakausap ko siya, kapag nagkukwento siya. Siya yung nagbibigay sa akin ng pakiramdam na nandito ako sa bahay. Na hinidi lang ako bumababa sa salas para kumain. Sana ay hindi rin niya nararamdaman iyon, o kung naisip man niya, sana ay hindi ganuon ang epekto tulad ng nangyayari sa akin.

                Na-miss ko ang mga kaibigan ko. Na-miss ko ang mga taong nagbibigay sa akin ng ngiti, kwento at inspirasyon. Kahit na hindi ako ganuon ka-expressive na tao, nami-miss ko rin sila. Na-miss ko ang magsulat. Ang aminin ang sakit o bigat ng kalooban na nadarama sa pamamagitan ng pagsusulat. Na-miss ko ring ipahayag kung gaano ako kasaya. Naging duwag na naman ako, o palagi naman, na harapin ang mga multo sa loob ko. Nakalimutan ko ang mga pangarap ko. Nakalimutan ko na hindi lahat ng ginagawa ko ay ako. Na may iilang bagay lang talaga at may iilang tao lang ang makapagsasabi kung sino ako. Inakala ko na lahat na lang ng bagay ay ako.


                Akala ko ay hindi na ako babalik sa lugar na ito. Pero, hindi naman siguro lahat ng pagbalik ay negatibo. Bumalik ba ako para magsimula ulit? Wala naman akong magagawa pang iba, kahit na paulit-ulit na. Kaya, sige na lang. Ganun na lang. Sana naman may mabago na talaga.


1 komento: