Biyernes, Nobyembre 11, 2016

passing thoughts


I do not know how I can possibly change this seemingly routine-type of life.
Like, there could be more surprises than the everyday usual things.
Like, there could be more and deeper meaning to what we call work.
That existence in this world should not be this very mediocre type, that it should be very inspiring at both ends of life’s spectrum.
That this burning source of inspiration should not always mean consuming one’s self.
That life should not be just mere postings in facebook.
That it’s not about the likes, the shares, the reactions and some more instant sources of gratification for one’s selfishness and greedy type of satisfaction for/and recognition.
I want to invest on something that will make me more efficient.
I really wanted to do more of the things from which I can explore.
The hunger of having a mentor, or maybe mentoring one’s self if that could be possible.
That life and its accompanied meaning and purpose should not be that shallow.
Each life’s story should be our very source of humanity.
That I could finally express without hesitations and fear of judgment from the people.
That these sleepless nights will not be put into waste, and should end accomplishing its very purpose.
That life should not mean being alone. That maybe, there are two types of people, one who needs and one who recognized the needy ones.
The freedom to be uniquely one’s self.
There should be satisfaction from one’s way of living without the need for comparison.
That each has a very interesting life.
There is no need for it to be standardized or be put into a common social norm.
And maybe, I should start living this way.



Sabado, Agosto 20, 2016

2016.08.15


1. Umuulan pa rin… makakaisa pa kaya ng suspension ng klase para bukas?

2. Bigla na lang gumana ang anim na keys sa keyboard ko… mabuti naman! Mas maginhawa na ngayong tumipa.

3. Isulat din natin ang mga kaibugan ko ngayon at noong mga nakaraang araw:
                a. kabiguang maging consistent na masipag sa araw-araw;
                b. kulang pa rin ang determinasyon, tiyaga, pag-iisip at pagpa-plano;
                c. na hindi na muling mag-uubos ng maraming oras sa social media at chats;
                d. hindi nagawang magkaroon na pagninilay o reflection;
                e. di natupad ang kahit ng 30 minuto ng pagbabasa;
                f. hindi ko rin nagawang maging maparaan at lawakan pa ang pananaw;
                g. na lagi na lang ulit akong tumitingin sa iba kaysa sarili kong mga gawa;
                h. hindi na naman ako nagpa-prioritize ng mga gawain;
                i. nagkukulong na naman ako sa mga kahinaan kong ito; at
                j. di ko na naman napanghahawakan nang mabuti ang aking mga goals sa buhay.

4. Sumasakit ang isip sa kaiisip.

5. Maglilista naman ako ngayon ng mga bagay na nararapat kong ipagpasalamat:
                a. ang hindi pagbaha dito sa aming lugar sa kabila ng mga pag-uulan;
                b. na may tuyo pa rin kaming tahanan;
                c. na may naihahain pa rin na pagkain sa aming hapag;
                d. na nariyan pa rin ang aking pamilya;
                e. na may kuryente at ilaw pa rin sa kabila ng nagdaang malakas na hangin;
                f. meron pa rin signal ng internet kahit na maulan;
                g. na lagi pa rin akong nabibigyan ng chance na maging mas mabuti;
                h. na may radyong nagpapa-relax sa akin ngayon;
                i. na pagkatapus nito ay makakakain pa rin ako; at
                j. makatutulog rin ako mamaya sa kama kong bagong palit ang punda at sapin.



Huwebes, Mayo 12, 2016

para sa mga "mema-"


                Ano ang hindi makatwiran na gawin sa isang blogger? Yung mag-comment ka na napakalayo naman sa content ng pinost niya. Oo, meron ngang mga komento na out-of-the-post (o out of the topic ika nga) pero sa dalas kong makabasa ng mga komento, kung ito man ay labas sa content ng blogpost, ipinagpapaalam o gumagawa ng paraan ang blogger o mambabasa para masabi na ganuon nga (out of the context) ang komento nyang iyon.

                Sa kung paanong paraan? Aba, marami at kanya-kanya. Kaya madaling matukoy kung ang isang komento ay iniwan lamang para sa purpose na makapagbigay komento lamang. At hinuha ko, ang gawain ng iba ay babasahin lamang ang “pamagat” at mula doon ay bubuo na sya ng inakala nyang tinutukoy sa loob ng post.

                Mabuti pa (at mas katanggap-tanggap para sa akin) na wag nang mag-iwan ng komento kung hindi mo naman nabasa ng buo – dahil mahaba, di ka naman maka-relate , o walang oras magbasa at iba pa.

                Di naman sa napaka-big deal ng bagay na ito sa akin, ayoko ko lang ng feeling… kasi parang nakaka-offend. Kahalintulad nito yung ilang gawain natin sa eskwela, halimbawa ay pinagawa ka ng isang mahabang salaysay na binigyan mo ng oras, pag-iisip, pokus at lakas… pero nung pinasa mo, alam mo namang hindi naman iyon binasa… tsinekan lang hahaha! Ganyan.



Linggo, Pebrero 28, 2016

trash


Sa aking pananaw, ang facebook ay napupuno na ng maraming basura. Mga posts na puro kababawan mula sa mga fb friends mo na inilathala na ang bawat kibot ng buhay sa facebook, as if the whole world cares. Pero anu nga naman ang magagawa ko… sila ang aking mga fb friends.

Kaya dinadamihan ko na lang din ang mga nila-like kong pages na may kwenta, may sense o may saysay at kabuluhan. Para kahit paano ay nababalanse ng mga ito ang aking newsfeed. Sa ngayon ay okay na ang timpla ng newsfeed ko. May walang enta, merong may saysay. May funny at informative. May entertaining at iba pang kakaiba kumpara sa dati.

Kung sabagay, kung sa facebook ko rin naman ilalabas ang hinaing kong ito, wala rin namang pakialam ang mundo. At saka, pwede ko rin naman ituring (pati na rin ng iba) na basura lang din naman itong ginagawa ko sa aking blog.

Kaya maaring ang mundo ay napupuno na talaga ng basura. Heto dinagdagan ko pa.



Sabado, Pebrero 27, 2016

para sa araw na 'to


Nananatili pa rin ako sa loob ng bahay namin. Ibig kong sabihin, mas nananatili pa rin ako sa loob.

Gusto ko sanang tanungin kung meron ba talagang buhay sa labas? Kung “oo” man ang sagot, maaari ko rin bang sabihin na ang kabaligtaran nito ay ang pagkakaroon din naman ng buhay sa loob?

Nasa harap pa rin ako ng computer na ito buong araw.

Wala pa akong bagong libro na nababasa. Pakiramdam ko parang lagi akong busy kahit di naman. Mas busy pa ata ako sa pag-iisip kaysa paggawa. Well, ganun naman ako lagi.

May mga itinuturing kang mga “shits” sa buhay na di naman talaga exciting.

Ano pa ba ang pwede kong pagkaabalahan bukod sa gawain sa school?

Wala pa rin akong proyekto sa pagsulat.

Hay naku… this is why I love my life! Napaka-generic. Predictable at hindi naman talaga masyadong amazing.

Isa pa rin akong taong insensitive.

I’m tired and I wanna go to bed.