Linggo, Pebrero 28, 2016

trash


Sa aking pananaw, ang facebook ay napupuno na ng maraming basura. Mga posts na puro kababawan mula sa mga fb friends mo na inilathala na ang bawat kibot ng buhay sa facebook, as if the whole world cares. Pero anu nga naman ang magagawa ko… sila ang aking mga fb friends.

Kaya dinadamihan ko na lang din ang mga nila-like kong pages na may kwenta, may sense o may saysay at kabuluhan. Para kahit paano ay nababalanse ng mga ito ang aking newsfeed. Sa ngayon ay okay na ang timpla ng newsfeed ko. May walang enta, merong may saysay. May funny at informative. May entertaining at iba pang kakaiba kumpara sa dati.

Kung sabagay, kung sa facebook ko rin naman ilalabas ang hinaing kong ito, wala rin namang pakialam ang mundo. At saka, pwede ko rin naman ituring (pati na rin ng iba) na basura lang din naman itong ginagawa ko sa aking blog.

Kaya maaring ang mundo ay napupuno na talaga ng basura. Heto dinagdagan ko pa.



Sabado, Pebrero 27, 2016

para sa araw na 'to


Nananatili pa rin ako sa loob ng bahay namin. Ibig kong sabihin, mas nananatili pa rin ako sa loob.

Gusto ko sanang tanungin kung meron ba talagang buhay sa labas? Kung “oo” man ang sagot, maaari ko rin bang sabihin na ang kabaligtaran nito ay ang pagkakaroon din naman ng buhay sa loob?

Nasa harap pa rin ako ng computer na ito buong araw.

Wala pa akong bagong libro na nababasa. Pakiramdam ko parang lagi akong busy kahit di naman. Mas busy pa ata ako sa pag-iisip kaysa paggawa. Well, ganun naman ako lagi.

May mga itinuturing kang mga “shits” sa buhay na di naman talaga exciting.

Ano pa ba ang pwede kong pagkaabalahan bukod sa gawain sa school?

Wala pa rin akong proyekto sa pagsulat.

Hay naku… this is why I love my life! Napaka-generic. Predictable at hindi naman talaga masyadong amazing.

Isa pa rin akong taong insensitive.

I’m tired and I wanna go to bed.