Sabado, Abril 15, 2017


                Di ko inakala na magiging mahirap para sa akin ang nagdaang huwebes santo, byernes santo at sabado de Gloria. Bukas, easter Sunday, muling pagkabuhay, ang goal ko ay mabuhay din sa akin ang mga bagay na nagpapalakas sa akin bilang ako, yung mga bagay na nagbibigay depinisyon sa kung sino talaga ako. Napakalungkot ng pinagdaanan kong tatlong araw. Napakadilim. Napakaikli at napakababaw ng aking naging pananaw.

                Di ko tiyak kung depression ba ito. Pero, mild lang naman kung depression nga. Na-miss kong makipag-usap sa nanay ko, na-miss ko ang pakiramdam na nagiging okay ako kapag nakakausap ko siya, kapag nagkukwento siya. Siya yung nagbibigay sa akin ng pakiramdam na nandito ako sa bahay. Na hinidi lang ako bumababa sa salas para kumain. Sana ay hindi rin niya nararamdaman iyon, o kung naisip man niya, sana ay hindi ganuon ang epekto tulad ng nangyayari sa akin.

                Na-miss ko ang mga kaibigan ko. Na-miss ko ang mga taong nagbibigay sa akin ng ngiti, kwento at inspirasyon. Kahit na hindi ako ganuon ka-expressive na tao, nami-miss ko rin sila. Na-miss ko ang magsulat. Ang aminin ang sakit o bigat ng kalooban na nadarama sa pamamagitan ng pagsusulat. Na-miss ko ring ipahayag kung gaano ako kasaya. Naging duwag na naman ako, o palagi naman, na harapin ang mga multo sa loob ko. Nakalimutan ko ang mga pangarap ko. Nakalimutan ko na hindi lahat ng ginagawa ko ay ako. Na may iilang bagay lang talaga at may iilang tao lang ang makapagsasabi kung sino ako. Inakala ko na lahat na lang ng bagay ay ako.


                Akala ko ay hindi na ako babalik sa lugar na ito. Pero, hindi naman siguro lahat ng pagbalik ay negatibo. Bumalik ba ako para magsimula ulit? Wala naman akong magagawa pang iba, kahit na paulit-ulit na. Kaya, sige na lang. Ganun na lang. Sana naman may mabago na talaga.


Biyernes, Nobyembre 11, 2016

passing thoughts


I do not know how I can possibly change this seemingly routine-type of life.
Like, there could be more surprises than the everyday usual things.
Like, there could be more and deeper meaning to what we call work.
That existence in this world should not be this very mediocre type, that it should be very inspiring at both ends of life’s spectrum.
That this burning source of inspiration should not always mean consuming one’s self.
That life should not be just mere postings in facebook.
That it’s not about the likes, the shares, the reactions and some more instant sources of gratification for one’s selfishness and greedy type of satisfaction for/and recognition.
I want to invest on something that will make me more efficient.
I really wanted to do more of the things from which I can explore.
The hunger of having a mentor, or maybe mentoring one’s self if that could be possible.
That life and its accompanied meaning and purpose should not be that shallow.
Each life’s story should be our very source of humanity.
That I could finally express without hesitations and fear of judgment from the people.
That these sleepless nights will not be put into waste, and should end accomplishing its very purpose.
That life should not mean being alone. That maybe, there are two types of people, one who needs and one who recognized the needy ones.
The freedom to be uniquely one’s self.
There should be satisfaction from one’s way of living without the need for comparison.
That each has a very interesting life.
There is no need for it to be standardized or be put into a common social norm.
And maybe, I should start living this way.



Sabado, Agosto 20, 2016

2016.08.15


1. Umuulan pa rin… makakaisa pa kaya ng suspension ng klase para bukas?

2. Bigla na lang gumana ang anim na keys sa keyboard ko… mabuti naman! Mas maginhawa na ngayong tumipa.

3. Isulat din natin ang mga kaibugan ko ngayon at noong mga nakaraang araw:
                a. kabiguang maging consistent na masipag sa araw-araw;
                b. kulang pa rin ang determinasyon, tiyaga, pag-iisip at pagpa-plano;
                c. na hindi na muling mag-uubos ng maraming oras sa social media at chats;
                d. hindi nagawang magkaroon na pagninilay o reflection;
                e. di natupad ang kahit ng 30 minuto ng pagbabasa;
                f. hindi ko rin nagawang maging maparaan at lawakan pa ang pananaw;
                g. na lagi na lang ulit akong tumitingin sa iba kaysa sarili kong mga gawa;
                h. hindi na naman ako nagpa-prioritize ng mga gawain;
                i. nagkukulong na naman ako sa mga kahinaan kong ito; at
                j. di ko na naman napanghahawakan nang mabuti ang aking mga goals sa buhay.

4. Sumasakit ang isip sa kaiisip.

5. Maglilista naman ako ngayon ng mga bagay na nararapat kong ipagpasalamat:
                a. ang hindi pagbaha dito sa aming lugar sa kabila ng mga pag-uulan;
                b. na may tuyo pa rin kaming tahanan;
                c. na may naihahain pa rin na pagkain sa aming hapag;
                d. na nariyan pa rin ang aking pamilya;
                e. na may kuryente at ilaw pa rin sa kabila ng nagdaang malakas na hangin;
                f. meron pa rin signal ng internet kahit na maulan;
                g. na lagi pa rin akong nabibigyan ng chance na maging mas mabuti;
                h. na may radyong nagpapa-relax sa akin ngayon;
                i. na pagkatapus nito ay makakakain pa rin ako; at
                j. makatutulog rin ako mamaya sa kama kong bagong palit ang punda at sapin.



Huwebes, Mayo 12, 2016

para sa mga "mema-"


                Ano ang hindi makatwiran na gawin sa isang blogger? Yung mag-comment ka na napakalayo naman sa content ng pinost niya. Oo, meron ngang mga komento na out-of-the-post (o out of the topic ika nga) pero sa dalas kong makabasa ng mga komento, kung ito man ay labas sa content ng blogpost, ipinagpapaalam o gumagawa ng paraan ang blogger o mambabasa para masabi na ganuon nga (out of the context) ang komento nyang iyon.

                Sa kung paanong paraan? Aba, marami at kanya-kanya. Kaya madaling matukoy kung ang isang komento ay iniwan lamang para sa purpose na makapagbigay komento lamang. At hinuha ko, ang gawain ng iba ay babasahin lamang ang “pamagat” at mula doon ay bubuo na sya ng inakala nyang tinutukoy sa loob ng post.

                Mabuti pa (at mas katanggap-tanggap para sa akin) na wag nang mag-iwan ng komento kung hindi mo naman nabasa ng buo – dahil mahaba, di ka naman maka-relate , o walang oras magbasa at iba pa.

                Di naman sa napaka-big deal ng bagay na ito sa akin, ayoko ko lang ng feeling… kasi parang nakaka-offend. Kahalintulad nito yung ilang gawain natin sa eskwela, halimbawa ay pinagawa ka ng isang mahabang salaysay na binigyan mo ng oras, pag-iisip, pokus at lakas… pero nung pinasa mo, alam mo namang hindi naman iyon binasa… tsinekan lang hahaha! Ganyan.



Linggo, Pebrero 28, 2016

trash


Sa aking pananaw, ang facebook ay napupuno na ng maraming basura. Mga posts na puro kababawan mula sa mga fb friends mo na inilathala na ang bawat kibot ng buhay sa facebook, as if the whole world cares. Pero anu nga naman ang magagawa ko… sila ang aking mga fb friends.

Kaya dinadamihan ko na lang din ang mga nila-like kong pages na may kwenta, may sense o may saysay at kabuluhan. Para kahit paano ay nababalanse ng mga ito ang aking newsfeed. Sa ngayon ay okay na ang timpla ng newsfeed ko. May walang enta, merong may saysay. May funny at informative. May entertaining at iba pang kakaiba kumpara sa dati.

Kung sabagay, kung sa facebook ko rin naman ilalabas ang hinaing kong ito, wala rin namang pakialam ang mundo. At saka, pwede ko rin naman ituring (pati na rin ng iba) na basura lang din naman itong ginagawa ko sa aking blog.

Kaya maaring ang mundo ay napupuno na talaga ng basura. Heto dinagdagan ko pa.



Sabado, Pebrero 27, 2016

para sa araw na 'to


Nananatili pa rin ako sa loob ng bahay namin. Ibig kong sabihin, mas nananatili pa rin ako sa loob.

Gusto ko sanang tanungin kung meron ba talagang buhay sa labas? Kung “oo” man ang sagot, maaari ko rin bang sabihin na ang kabaligtaran nito ay ang pagkakaroon din naman ng buhay sa loob?

Nasa harap pa rin ako ng computer na ito buong araw.

Wala pa akong bagong libro na nababasa. Pakiramdam ko parang lagi akong busy kahit di naman. Mas busy pa ata ako sa pag-iisip kaysa paggawa. Well, ganun naman ako lagi.

May mga itinuturing kang mga “shits” sa buhay na di naman talaga exciting.

Ano pa ba ang pwede kong pagkaabalahan bukod sa gawain sa school?

Wala pa rin akong proyekto sa pagsulat.

Hay naku… this is why I love my life! Napaka-generic. Predictable at hindi naman talaga masyadong amazing.

Isa pa rin akong taong insensitive.

I’m tired and I wanna go to bed.



Sabado, Nobyembre 21, 2015

We cannot be a true friend for everyone, we can only be at least good to some of them.


And I have those friends
who would most likely consider your attendance as a basis for true friendship.

And I already expected it and I'm used to seeing it
those posts in facebook saying - "Ang tunay na kaibigan hindi nag-iiwanan / naglilimutan."
(or whatever)
lagi naman ganun ang tema ng mga post after mag-meet.
(whether I am there or not)

And here I am, a type of 'friend' who is probably not present in all occasions...
but I think it should not depreciate the value of 'friendship' I have with them.

And of course, we all have the 'reasons' to justify / rationalize our thoughts and actions.
Maybe, our ideologies and philosophies (para malalim lol) didn't just meet halfway.

And so, life continues for everyone.
That's how it is. I guess.


Biyernes, Nobyembre 20, 2015

I don't know.


We basically have our own struggles in life.
Sometimes, I do take courage to face it.
And work on it every single moment of my life.
But then, I guess… most of the time I am really not so committed in trying to resolve it.
What visions do I have in mind?
Well, there are many.
It would be very frustrating to discuss it all in detail.
But I wanted to. I just don’t know how to start or if I do have to tell it.


Miyerkules, Setyembre 23, 2015

yeah.


Yeah...
I have been restlessly anxious.
That is because I am...
So afraid to fail.

I think...
I have been guarding up myself.
To be protected.
Overprotected.

We don't wanna be very vulnerable.
In their eyes...
Yeah...
We don't want to be like that.

But the more I tried to keep myself from all the possible hurts...
The more I am actually hurt... by myself.

I am no perfect.
That's very cliche to say.

But yeah...
I am really not.

Lunes, Setyembre 21, 2015

inner battles


This too shall past.

But while it is still happening...
...I am really having a hard time.

It may not be a very big deal for others.
Or maybe I am just magnifying the little battles inside me.

Whatever it is...
...I'm hoping for all these things to end.


Linggo, Setyembre 20, 2015

Bed.


Today, I found myself laying on the bed the whole day.
I feel like I'm trying to escape from all of my anxiety through sleeping.

It felt so bad.
Feeling not so accomplished.
Have done nothing.

just an idea


I am not really familiar with the common name of the scientific names of different worms.
And so...  I think I was not able to do well in that quiz.

While I look at those blank items which I could no longer answer...
I said to myself -

"I just don't wanna study anymore... I wanted to learn."


Huwebes, Setyembre 10, 2015

Time.


I wish I could tell somebody how troubled I am inside.
It's like, for all the times I have frowned... I just wanna give myself and everyone I meet along the way a smile.

I wish I could beg for the time to run fast when times go rough...
I wish I could let time slow down whenever I feel happy, smiling, talking and laughing with them.
I wish I could always have time for things I want to do, more than the things that I needed to do.

I wanna know if there's someone who could understand my mind... my heart... my soul... the real person I am.
I have hidden myself from all the people around... thinking that I could only be the one who could understand... or trying to understand the person I have become.

I would always wanna feel the sunshine.
I would wanted to be at peace with myself all the time.

I don't wanna be selfish.
I don't wanna be a burden to anyone.
I know we all carry weights on our own.

I wish I could hug someone... and cry... and just cry.
I wish there is someone who could slap my face to wake me up.

Please pull me up...
from where I have let myself down.

Miyerkules, Setyembre 2, 2015

I Know.


Fuck.

I can't be inspired by all these paperworks!
Sigh...

Miyerkules, Agosto 26, 2015

One of the perks of being a wallflower in this world.


The first step is always the hardest.
Especially when you are trying to push yourself.

What makes me happy?
Well, today I realized that simple things can make you genuinely happy.

Naglista ako ng dalawang bagay na kailangan kong bilhin.
Usually, pag kaunti lang, di na ako mag-effort bilhin.
Pwede namang sa susunod na lang kasabay ng iba pang bilihin.
But I did make an effort to buy those things.
Napakasimple lang.
Pero wala lang.
Masaya.

It's like I was able to work out a very simple plan.
Ganun lang.

I love watching people.
I like observing how each person is different from one another.
I like realizing how different I am.
I love appreciating a person's individuality.

I like seeing myself learning from others.
I like picking up an idea, or a certain behavior that I could practice.
I love catching wisdom from their thoughts.
I am very much particular with the details.
I just love it.

One of the perks of being a wallflower in this world.

Lunes, Agosto 24, 2015

Hoping to be better.


I have been more quiet for the past few days.
Frustrations. Fatigue. Anxiety.
All are mixing up inside me.

Napaka-ironic...
Kung kailan ako mas naging tahimik.
Saka naman ako mas napapansin.

It's not that annoying.
But it feels weird.

Huwebes, Agosto 13, 2015

Baka ganun na naman kasi.


Ang totoo...
I'm tired of starting over again.
I mean...
I have seen myself 'peaked' for some time,
Pagkatapus mauuwi rin naman ulit sa ibaba.
Ibig sabihin sa umpisa. Sa dati. Sa kinagawian.

That is not the type of 'change' that I want.
O baka naman tama lang yung quotes na aking nabasa.
"Ang alon ay pataas at pababa...
Gayunpaman, nakararating pa rin ito sa patutunguhan."
Do I need to accept that...
Maybe yes... may be not.

Gusto kong subukan ulit.
I really do.
But whenever I think about it,
I somehow feel annoyed,
Baka ganun na naman kasi.

Martes, Agosto 11, 2015

Start. Lagi na lang.


Isa sa pinakamahirap...
Ay yung makita mo ulit ang iyong sarili na nagsisismula.
Nakakabadtrip! Nagawa mo na dati, tapus uulitin mo na naman.
Yung tipong nakausad ka na, pero parang bumabalik ka sa simula.

Pero, tulad nga ng nabanggit sa isang kanta...
"Start over agaian, but this time do it right.
Start over again... start over again."

Napakaraming panimula... iisa lang naman ang ending.

Lunes, Agosto 10, 2015

Mema-Hugot Things...


I wish, I could be very honest with how I feel tonight.
Whenever I try to write about my 'dramas'... parang ang korni.

I have been very morbid about my thoughts. I do wish everyday, for no particular or very valid reason, that I could at least end my life. And yeah, di naman nangyayari hahaha. Heto nga, I am still writing about the 'shits' in my life.

1. Nakaka-miss yung mga gabing wala kang iniisip para bukas. Yung mga moment that I can still enjoy reading a book. Enjoying every word... phrase... sentence... paragraph. Every emotion and every hugot na meron sa librong binabasa mo. Ang saya lang, parang may sarili kang mundo.

2. I wish i could tell to people around me that I appreciate every smile and even small talks with them. Di naman talaga ako suplado. Nagpapakabusy lang na tao. Pero ang totoo... ayoko lang kasing ma-preoccupied ng mga thoughts ko. However, when I'm home, ayan na, nilulunod na nila ako.

3. One time, may nagtanong sa akin if 'bi' daw ba ako. I don't know what to say. Di ko alam kung dapat ba akong sumagot, hehehe. I mean, di ko nga tiyak if that person really understood the question she's trying to ask... hindi ko nga maintindihan yung buo kong sarili, tapus, isasagot ko pa sa kanya. Pa'no na?!

4. I have so many insecurities about myself. I think, do have more frustrations in life than ambitions. I always seemed to be an optimistic person to others, but that's the only way I could battle against myself being pessimistic.

5. I can definitely say that I'm living for my dreams. A very generic answer hehehe.

6. I always try to avoid having criticized by a lot of people.

7. What I need most right now... a person who can relate to all these nonsense dramas... an older person than me who is willing to share his wisdom... a person who is most likely spend a lot of time digging out the person in me.

8. I definitely love talking to random people. I feel like I am more alive kapag ganun. Kahit saglit na usap lang, I feel very connected to them. If only they will not judge me of being kulang sa pansin or walang kausap sa buhay, I would probably talk to every person I meet along the way, literally!

9. I think this world needs people who love diversity, understand uniqueness and appreciate everyone without any judgement.

10. The most beautiful thing I have seen today is his face.

Biyernes, Agosto 7, 2015

Stress!


Nai-stress akong tunay sa research na yan... hay buhay. Idinadaan ko na nga lang sa pagsusuot ng salamin para magkaroon ng talino effect, pero wala pa rin.

Mabuti pa yung nakasakay ko sa bus, mga 'pabebe-thingy' lang ang pinag-uusapan! Unfair! Hahaha. Habang natutulala ako sa byahe dahil di ko mawari kung paano kami uusad dahil wala pa nga kaming matinong research proposal, itong si ateng sa bus pabebe lang ang pinagkakaabalahan, hustisya naman di ba? May nalalaman pa s'yang ang kanilang relationship daw (kwento nya sa kausap niya, na naririnig ko lang naman) ay halos 'close to perfection' na... ikaw na talaga ateng! Hahaha. Bitter na bitter ako, dahil neither my 'lablayf' nor our research is close to perfection... so ano, kaylupit ng mundo.

Gusto kong magtatakbo kung saan, hahaha, dahil nai-stress talaga akong tunay.